KAHIT HINDI NARERESOLBA ANG PAGKAWALA NG 40 SABUNGERO AT 2 REAL ESTATE BROKER, CRIME RATE BUMABA — PNP

IPINAGMAMALAKI ng pamunuan ng Philippine National Police na bumaba ng 8% porsyento ang bilang ng mga naitalang krimen sa bansa mula Enero hanggang Agosto ngayong taon kumpara sa datos sa parehong panahon noong 2021.

Noong nakaraang taon, naitala ang pagkawala ng humigit kumulang sa 38 sabungero. Ilan sa kaso ng ‘missing sabungero’ ay hawak ng PNP-CIDG.

Una nang naiulat na lumilitaw na pinakamarami ang nawawalang sabungero sa Laguna na umabot sa 19, anim sa Maynila, anim sa Batangas, dalawa sa Bulacan at isa ang dinukot sa kanyang bahay sa San Pablo, Laguna.


Gaya sa kaso ng mga missing sabungero ay blangko pa rin kaya’t hindi rin nareresolba ang kaso ng dalawang real estate broker na nawawala at hinihinalang dinukot sa Laguna.

Samantala, nilinaw ni Fajardo na naresolba na ng PNP ang mga insidente ng pagdukot at pagkawala ng ilang indibidwal na kalaunan ay nakikitang patay. Aniya, nahuli, nakasuhan at nakakulong na ang mga suspek na nasa likod nito.

Hindi sinabi ni Col. Fajardo kung kasama sa mga kasong naresolba ang tatlong kalalakihan na pawang hinihinalang biktima ng summary execution na nakita matapos na itapon sa lalawigan ng Quezon

Mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon ay nakapagtala ang PNP ng 25 insidente ng kidnapping na karamihan ay konektado sa Philippine Offshore Gaming Operator o POGO at ang mga ito ay naresolba na.


Aminado si Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na tumaas ng 8.62% ang insidente ng theft ngayong 2022 gayundin ang robbery ng 0.49%. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Philippine National Police

You May Also Like

Most Read