Latest News

Helper sa umaga, pusher sa gabi, natimbog

Timbog sa pagbebenta ng iligal na droga kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila, ang isang 42-anyos na helper na diumano ay suma-sideline bilang “pusher” ng shabu sa gabi.#

Nasa kustodiya ngayon ng Manila Police District -Police Station 1 ang suspek na si Rodolfo Canaveral,alyas Manny, ng 2417 Jose Abad Santos Ave.Tondo, Manila.


Ayon sa imbestigasyon, nagsasagawa umano ng checkpoint,ang mga tauhan ng MPD-PS 1 nang.parahin ang suspek na nakasakay ng Kymco na.motorsiklo sa panulukan ng Juan Luna at Maliklik.Streets saTondo.

Nang hingin ang lisensiya ay walang naipakita ang suspek at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang 11 sachet ng shabu na tumitimbang ng may 2.5 gramo at nagkakahalaga ng P17,000.

Sinampahan ang suspek ng kasong driving without license at paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags: Manila Police District Police Station 1

You May Also Like

Most Read