Latest News

Helper, nagbigti

WALA nang buhay nang madiskubre ang isang 37-anyos na helper matapos magbigti sa bahay ng kanyang amo, kahapon ng madaling araw sa Paco,Maynila.

Kinilala ang biktimang si Ruel Leonida y Toledo , helper at tubong Matnog Sorsogon.

Sa imbestigasyon ni PSSG Arvy Macarasig ng Manila Police District-homicide section, alas-12 ng madaling araw nang makita ang biktima ng kanyang amo na si Eya Kue at Vanessa Hu na nakabigti gamit ang isang nylon cord.


Kaagad namang humingi ng tulong sa Barangay si Kue para maibaba ang biktima.

Inaalam naman ng pulisya ang motibo kung may foulplay na naganap sa pagkamatay ng biktima. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read