KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) First Division ang hatol na hanggang 40 taong pagkabilanggo laban kay retired General Jovito Palparan may kaugnayan sa kidnapping at illegal detention ng dalawang estudyante ng University of the Philippines(UP).
Nabatid na pinagtibay ang hanggang 40 taon pagkabilanggo pero ang ipinataw na multa at interest ay binabaan.
“Accused appelants are sentenced to the penalty of reclusion perpetua without eligibility for parole. The damages imposed are subject to 6% per annum from the date of finality of this decision until full payment of the same,” ayon sa 61-pahinang ruling ng CA.
Bukod kay Palparan,kasama rin sa kinatigan na hatol sina Lt.Col Felipe Anotado Jr., at SSgt Edgardo Osorio.
Nabatid na unang hinatulan ng Malolos RTC sina Palparan noong 2018 dahil sa pagkawala ng dalawang UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan noong Setyembre 2006.
Nalaman na bukod.sa hatol.na.30 hanggang 40 taon pagkabilanggo ay inatasan rin ang mga akusaso na.magbayad ng P100,000 civil indemnity at P200,000 sa moral damages. (Philip Reyes)