INIULAT ni Mayor Honey Lacuna na ang kabuuang bilang ng mga walang trabaho sa Maynila na nabiyayaan ng hanapbuhay ng city government mula January 1 ay nasa 14,393.
Sa ulat ni public employment service office (PESO) chief Fernan Bermejo, sinabi ni Lacuna na ang 14,393 trabaho na naibigay sa unang kalahating bahagi ng taon ay, 3,455 hired on the spot; 5,765 hired via placement report of employes; 149, sa ilalim ng special program for the employment of students (SPES) para sa mga estudyante; 914, TUPAD beneficiaries.
Sa ilalim ng GIP, 1,000, hired ngvlocal government unit; 240, national government at ang iba ay naikalat naman sa iba’t-ibang establishments sa lungsod.
Ayon kay Lacuna, ang mga nabigyan ng trabaho ay kinabibilangan ng 31 persons with disability at 57 senior citizens.
“Congratulations po sa lahat ng mga nagka-trabaho at sa atin naman pong mga employers na walang sawang tumutulong sa lungsod ng Maynila, maraming, maraming salamat po at sana ay ‘wag po kayong magsawa na tumulong sa ating mga kababayan dito sa ating lungsod,” pahayag ng alkalde.
Sinigurado ni Lacuna na ang probisyon sa pagkakaroon ng trabaho ng mga walang hanapbuhay na mga Manileño ay itutuloy ng kanyang administrasyon sa pamamagitan ng walang hintong pagsasagawa ng job caravans, job fairs at iba pang paraan ng special recruitment activities.
Bilang karagdagan, ang “Kalinga sa Maynila” ng alkalde na isang weekly public forum ay ginagawa sa iba’t-ibang barangay at dito ang mga pangunahing serbisyo ng City Hall ay dinadala sa mga pamayanan gayundin ang mga job fairs.
“Nakapag-ugnayan na kayo, nasabi nyo pa sa pamahalaan ang problema ninyo and at the same time, nakapag-avail pa kayo ng services, plus kung naghahanap kayo ng trabaho, baka ma-hire pa kayo on the spot,” dagdag pa nito.
Pinapayuhan ng alkalde ang mga jobseekers na magsuot ng casual attire, magdala ng 10 kopya ng resume, sariling ballpens, sumunod sa health protocols at siguraduhing nakakain na at mag- ‘thank you’ sa kanilang interviewers, matanggap man sila sa trabaho o hindi.