GUSTONG MAGING NAVY, NAHULOG SA BAGONG SENATE BUILDING, PATAY

By: Victor Baldemor Ruiz

Ikinalulungkot ng pamunuan ng Philippine Navy ang umano’y pagkahulog mula sa itinatayong bagong Senate Building ng isang aspiring navy cadet nitong Huwebes ng gabi sa Bonifacio Global City.

“The Philippine Navy is ready to assist all those affected by this tragic event and will fully cooperate with law enforcement agencies during the conduct of the investigation,” ayon sa pamunuan ng Hukbong Dagat.


Natagpuang patay dakong alas-10 ng gabi nitong Huwebes sa ground floor ng hindi pa tapos na New Senate Building ang Navy cadet na napag-alamang nagsisilbing kitchen staff sa Bonifacio Naval Station. Hindi pa ito pinapangalanan.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat na namataan umano ang lalaki na nagmamadaling tumatakbo papasok sa gate ng compound ng New Senate Building dakong alas-9 ng gabi ng Huwebes.

“May humabol na kasama niya and our guards also gave chase. They searched the building and reviewed CCTV and the guy was nowhere to be found,” ayon sa report ni Engr. William Hong (SCC) sa Senate President.


Bandang alas-10 ng gabi ay nahulog umano ang aspiring Navy cadet mula sa north tower (hindipa tiyak kung anong level) at bumagsak sa ground floor bago idineklarang patay.

Dumating sa lugar ng insidente ang Soco, HCC at iba pang PN team.


Inalis ang walang buhay na katawan ng nasawi at lumabas ng NSB itinatayang ala-1:15 ng madaling araw ng Biyernes.

“The Philippine Navy regrets to report a tragic incident involving the death of one of our civilian kitchen staff which occured at the New Senate Building near Bonifacio Naval Station, Taguig City on the evening of July 25,” ani Navy Public Affairs Office Director CDR John Percie Alcos.


Tags: Philippine Navy

You May Also Like

Most Read