Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang isang gun runner dahil sa pag-iingat at pagbebenta ng mga hindi- lisensyadng armas, kamakailan sa San Jose Del Monte,Bulacan.
Kinilala ng NBi-National Capital Region (NCR),ang suspek na si Michaell Perlas.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang NBI-NCR noong Setyembre 29 , kaugnay sa iligal na aktibidad ng suspek.
Dalawang ahente ng NBI ang nagpanggap na intresadong bumili ng mga armas.
Inialok naman ni Perlas ang 3 5.56 caliber rifles, 1 45 caliber pistol at 1 .357 caliber revolver sa halagang P340,000.00.
Nang magsagawa ng berpikasyon ang NBI noong Oktubre 3 sa Philippine National Police – Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) ,nalaman na walang record of License to Own and Possess Firearms (LTOPF)ai Perlas ,hindi rin siya awtorisadong manufacturer, dealer o mag buy and sell ng bala o armas.
Dito na ikinasa ng NBI-NCR ang entrapment operation laban sa suspek kung saan nagkita si Perlas at NBI sa San Jose del Monte at nang iabot ang mga armas ay dito na inaresto si Perlas.
Kabilang sa nakumpiska anb 1 Rifle Remington 5.56cal. Serial# 158296, 1 Rifle Colt 5.56 cal. Serial# Obliterated, 1 Rifle Colt 5.56cal. Serial# Obliterated, 1 Pistol Remington 45cal. Serial# 31953, 1 Revolver Taurus 357cal. Serial# 571-22815, at (2).tig One Thousand Peso bills na marked money.
Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 32 “Unlawful Sale/Disposition of Firearms” ng Republic Act 10591, otherwise known as “Comprehensive Firearms and Ammunition Act”,si Perlas sa SJDM Prosecutors office. (Philip Reyes)