Latest News

Gunrunner, arestado

Nasakote ng mga operatiba ng Manila Police District -Police Sfation 3 at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang 54-anyos na gunrunner sa isinagawang entrapment operation, kamakalawa ng hapon sa Sta.Cruz, Maynila.

Kinilala ni PLTCol Ramon Czar Solas,station commander ng MPD-PS 3,ang suspek na si Henry Cabaylo,alyas Potpot, printer operator at taga 1836 Dapdap Street, Sta. Cruz, Maynila.

Nadakip ang suspek alas- 2:20 ng hapon sa Dapdap Street, .Sta.Cruz kung saan nakumpiska sa kanya ang isang unit INTRATEC 9mm at sub-machine gun with SN 353719 with one magazine;dalawang 9mm magazine,isang suppressor; isang unit ng Samsung Galaxy A12 at marked money.


Depensa ng suspek ,may sakit umano ang kanyang ina at kailangan niya ng pera pampa-ospital

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa R.A. 10591o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.


Nakadetine ngayon ang suspek sa detention facility ng RSOG sa Camp Bagong Diwa, Taguig City. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Police District -Police Sfation 3 at National Capital Region Police Office (NCRPO)

You May Also Like

Most Read