Gun- for- hire, arestado

By: Jerry S. Tan

Dinakip ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 1 ang isang miyembro ng “gun for hire ” gang na responsable sa dalawang insidente ng pamamaslang sa Balut,Tondo,Maynila.

Ayon kay MPD-PS1 station commander P/Lt. Col Rosalino Ibay, Jr. , ang suspek ay kinilalang si Jayjay Martelino,alyas Pusod habang ang kasama nito ay nakilalang alyas Ivan pero patuloy na nakakalaya at kapwa kabilang sa grupong ‘gun- for- hire. Ang suspek ay naaresto, kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.


Nabatid na ang grupo rin ng suspek ang responsable sa nag-viral na video ng umano’y ‘serial killer’ na kinilala nilang si ‘Joel Blandy’ na basta na lamang umano namamaril.

Iprinisinta kay Manila Mayor Honey Lacuna si Blandy at Martelino at lumabas sa imbestigasyon na gawa-gawa lamang nila Martelino ang video at fake news ang naka-post sa Facebook na ginawa para magantihan lamang si ‘Blandy’ na kagalit ng kanilang grupo at para maghasik ng pangamba sa mga residente ng Balut,Tondo.

“Malinaw sa nakuha naming intelligence information that these young boys’ group numbering about 10 persons is trying to make a name for themselves, walang takot pumatay kasi meron silang financier at nagbibigay ng armas at baril sa mga grupo na yan at ginagawang taga- tumba ng bigtime drug pusher na kasalukuyang nakakulong” ani Ibay.


Base sa nakuhang impormasyon ni Ibay kay Martelino, sa huling trabaho na kanilang ginawa ng kanyang partner na si Ivan ay binayaran sila ng P50,000 at binigyan ng armas ng babaeng empleyado ng isang bigtime drug pusher.

“Opo, binabayaran ang grupo namin ng malaking halaga para patayin ang ipag- uutos sa amin ng contact naming nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.” ayon pa kay Martelino.


Napag-alaman na ang 10 pang kasamahan ng suspek ay nagsipagtago na nang malaman na naaresto si Martelino.


Tags: Jr., Manila Police District Police Station 1, P/Lt. Col Rosalino Ibay

You May Also Like

Most Read