GRAB DRIVER, NIRATRAT, PATAY

By: Philip Reyes

Namatay noon din ang isang Grab driver nang pagbabarilin ng di pa kilalang lalaki habang sakay ng isang puting Toyota Fortuner, malapit sa panulukan ng Herrera at Tayuman Sts., sa Sta. Cruz, Maynila.

Na-revive pa umano sandali subalit hindi rin nagtagal nang bumigay at naideklarang patay sa Chinese General Hospital (CGH) dakong alas- 2 ng hapon ang biktimang si Ronwaldo Lapidario, 40, TNVS driver at residente ng San Vicente, Bulacan.

Sa sketchy report na ipinadala ng Public Information Office ng Manila Police District, dakong ala- 1:30 ng hapon ng Mayo 12, 2023 nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.


Sa inisyal na impormasyon mula sa Manila Police District-Station 3, narekober sa crime scene ang nasa 11 basyo ng bala mula sa 9mm kalibre ng baril.

Kinukunan naman ng salaysay ang pasahero ng biktima na residente ng Tondo at saksi sa insidente.


Samantala, isinara naman sa trapiko ang Tomas Mapua Street sa pagitan ng Tayuman at Herrera Streets, habang pino-proseso pa ang imbestigasyon sa crime scene.


Tags: Manila Police District-Station 3

You May Also Like

Most Read