ARESTADO ng mga operatiba ng Manila Police District(MPD) ,ang isang freelance editor dahil sa reklamong pagnanakaw, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.
Nakadetine sa MPD Custodial jail ang suapek na si Niñovic Dumantay,21, at tqga No. 23 Bouganvilla St. Pingkian III Village, Pasong Tamo, Quezon City.
Si Dumantay ay nasa ‘Top 25 Most Wanted Person’ sa District level ay naaresto sa kanyang bahay ala- 1:10 ng hapon.
Nabatid na si Dumantay ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery in rel. to Sec 6 of RA No. 10175 na inisyu ni Presiding Judge Renato Pambid ng RTC Br.76 QuezonCity na may petsang Marso 25.
Inirekomenda ng korte ang P180,000 para sa pansamantalang kalayaan.
Naaresto ang suspek matapos ang ginawang serye ng balidasyon ng pulisya. (Philip Reyes)