Si Manila Mayor Honey Lacuna at (seated) City Administrator Bernie Ang nang dumalo sa 47th Founding Anniversary of the Association of Philippine Volunteer Fire Brigades, Inc. na ginanap sa Century Seafood Restaurant. Kasama rin sa larawan sina (ikalawa mula kaliwa) Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) President Itchie Cabayan, (sa kaliwa ni Ang ) Bureau of Fire Protection-Manila District Fire Marshal SSSupt. Christine Doctor-Cula at (ikalawa mula kanan) Barangay Chairman Jefferson Lau. (JERRY S. TAN)

FIRE VOLUNTEERS, PINAPURIHAN NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

Binigyang-papuri ni Manila Mayor Honey Lacuna ang mga volunteer firefighters sa bansa dahil sa walang-sawang pagtulong sa pamahalaang-lungsod tuwing may insidente ng sunog, para sa kapakanan ng mga residente ng Maynila.

Sa kanyang mensahe sa 47th Founding Anniversary of the Association of Philippine Volunteer Fire Brigades, Inc. na na ginanap sa Century Seafood Restaurant, tiniyak ni Lacuna sa fire volunteers’ groups ang buong suporta ng kanyang adminsitrasyon para sa lahat ng adhikain ng mga ito, kasabay ng pagbati sa bagong halal na mga opisyal at direktor ng nasabing organisasyon, sa pangunguna ng bagong presidente na si Charles Yu.


Binanggit ni Lacuna na ang nasabing organisasyon ng fire volunteers ay laging nangunguna at walang tigil sa pagtulong sa lungsod sa pagliligtas ng buhay at ari-arian tuwing may nagaganap na sunog.

“Indeed, from the ashes of disaster sprung a fountain of collaboration and cooperation which will have a positive impact on the lives of our constituents,” sabi ng alkalde.

Idinagdag pa niya na habang ang lokal na pamahalaan ng Maynila ay patuloy sa pagmo-modenize ng mga fire-fighting at prevention capabilities pati na ang pagpapaunlad sa pagharap nito sa mga katulad din nitong sakuna, maging kalikasan man o tao ang may gawa, ay batid nito ang kakulangan ng mapagkukunan upang mapunan ang lahat ng kailangan tuwing may fire alarms lalo na sa maiinit na buwan ng Marso at Abril.


“I learned that your association was formally established in 1976 in the aftermath of several devastating fires that gutted scores of business establishments in the vicinities of Divisoria and Ongpin. I was only 11 years old at that time but my father, former Vice-Mayor Danilo Lacuna, provided me stories of your historic pasts and achievements especially in the field of volunteerism and self-sacrifice,” saad ni Lacuna.

I”While it pains me to remember the devastating fires that ravaged the Bahay Kalinga Orphanage and Children’s Home in 1998 that killed 27 people mostly children, this tragedy, no doubt resulted in a better understanding of the symbiotic relationship between the city government and the private sector, more particularly your organization,” dagdag pa nito.


Dala ng napakaraming beses na tulong ng mga volunteer firefighters sa Manila, sinabi ni Lacuna na ang lungsod ay nagpapasalamat at tumatanaw ng utang na loob.

“Ang dasal ko, Sana po ay dumami pa kayo. Hindi lang sa Maynila pati na rin sa mga kalapit na lungsod at probinsya ng ating bansa na mangangailangan ng dagliang tulong sa oras na may sunog,” ani Lacuna.


Tags: City Administrator Bernie Ang, Manila Mayor Honey Lacuna

You May Also Like