FETUS, NATAGPUAN SA NAIA SEWAGE TREATMENT PLANT

By: Jerry S. Tan

ISANG walong-buwang fetus ng batang lalaki ang natagpuan ng mga tauhan ng isang airline sa sewage treatment plant sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Iniimbestigahan ngayon ng Police-Aviation Security Group at Airport Police Department (APD) ang pangyayari upang matukoy kung sino ang ina ng nasabing sanggol.


Batay sa paunang imbestigasyon, ang fetus ay itinapon matapos iluwal ng ina habang nasa ere ang eroplanong sinasakyan nito.

Lumilitaw na itinapon ito sa inidoro ng eroplano bago i-flash.

Nang kolektahin ng airline cleaners ang mga waste materials at dinala sa waste sewerage treatment plant, ay dun nila nadiksubre ang fetus.


Isa umano sa limang flights ng naturang airline na lumapag sa NAIA nitong Miyerkules ng umaga ang iniimbestigahan ng awtoridad.


Tags: Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1

You May Also Like