Fetus, iniwan sa harap ng eskwela

Inilagay sa kahon ng sapatos at isinilid sa isang kulay brown na “eco bag”, ang isang “fetus” bago iniwan sa harap ng isang paaralan,kamakalawa ng umaga sa Panaderos Street, Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay PLt. Dennis Turla,hepe ng Manila Police District-homicide section,alas-.8:40 ng umaga nang makita ni Maria Corazon Campos,46 ang eco bag na may lamang kahon ng sapatos.


Kinuha umano ito ni Campos at nagkainteres na buksan dahil mabigat.

Tumambad pagbukas ng kahon ang fetus na lalaki na may nakakabit pang inunan, nakabalot ng bimpo at itinatayang nasa edad 30-35 linggo.

Kaagad na itinawag sa MPD-Police Station 6,ang nakitang fetus. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like