Isinilid muna sa isang garapon bago itinapon ng isang walang pusong ina ang fetus na tinanggal sa kanyang sinapupunan sa isang madilim.na eskenita,kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Ang fetus na tinatayang nasa 2 -3 buwan ay natagpuan ngbisang naglilinis sa may eskinita ng Lakandula Street, Barangay 33 sa Tondo.
Kaagad naman ,ipinagbigay sa Manila Police District Police Station 1 ,ang itinapon na fetus ba inilagay sa garapon.
Ayon sa pulisya,posible umanong dumayo lamang sa lugar ang nagtapon ng fetus dahil wala naman buntis sa nabanggit na barangay.
Nirerebisa naman ng pulisya ang nakakabit na CCTV sa lugar ,baka sakaling nakunan ang nagtapon ng fetus. (Philip Reyes)














