Exhibitionist na pulis, arestado

Inaresto ng mga elemento ng Manila Police District – Police Station 6 ang isang miyembro ng PNP Region ll sa Cagayan, nang ipadampot ng magulang ng isang menor de edad dahil na pinakitaan nito ng kanyang-ari sa loob ng isang restaurant, kamakalawa ng gabi sa San Andres Bukid, Maynila.

Kinilala ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr, station commander ng MPD – PS6 ang suspek na si P/ SSg Danilo Soriaga residente rin ng nasabing lugar sa Maynila.


Nabatid na naganap ang insidente alas-10 ng gabi sa isang restaurant sa nabanggit na lugar.

Nabatid na kumakain umano ng lugaw si Marie,di tunay na pangalan 15, nang lapitan at tabihan umano ng nasabing pulis at saka inilabas ang kanyang ari at hinimas-himas ito.

Sa takot ng dalagita, tumayo ito at nagtatakbo papalabas pero nakuwelyuhan ito ng suspek.


Gayunman, nagawa pa rin ng dalagita na makakawala na naging dahilan para makatawag pansin sa mga nagrorondang barangay tanod at dito na pinigilan ang naka-unipormado pang suspek.

Itinurn-over naman sa tanggapan ng Children and Women’ Section ng MPD- Headquarters, ang suspek.


Sinampahan naman ng kasong Unjust Vexation ang suapek sa Manila Prosecutors Office. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District-Police Station 6

You May Also Like