Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 4 ang dating Vice Mayor ng Valenzuela City dahil sa two counts of Batasan Pambansa 22, kamakalawa ng umaga sa loob ng Makati City Hall sa may Angono St., Makati City.
Nasa kustodiya ng MPD-PS 4 ang suspek na si Evelyn Miranda Hernandez, 58, businesswoman at.dating Vice Mayor ng Valenzuela City at taga #1098 Consolacion St., Malinta. Valenzuela City.
Si Hernandez ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Acting Presiding Judge George Andy Pantanosas ng MTCC, Fourth Judicial Region, Branch 1, Antipolo City, Rizal, na may petsang Setyembre 6, 2022.
Inirekomenda ng korte ang tig -P13,000 piyansa para sa dalawang kasong BP 22 ni Hernandez. (Arsenio Tan)