Latest News

Ex-convict, pinatay ng kausap sa cellphone

By: Arsenio Tan

Pinatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo at katawan ang isang 25- anyos na ex-convict, kung saan ang suspek ay ang mismong kausap niya sa kanyang cellphone habang siya ay nasa Gate 13, Parola, Brgy 20, Tondo, Maynila kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PSSg Vandiel Nikko Banzon, imbestigador ng Manila Police District-Station 12, ang biktimang si Raymart Ferrer. alyas ‘Dode’, miyembro ng Commando Gang at taga- Gate 12, Parola, Brgy 20, Tondo.

Ayon sa imbestigasyon, alas- 2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.


Nabatid na may usapang magkikita ang biktima at suspek sa nasabing lugar.

Kausap ng biktima sa kanyang cellphone ang suspek nang mawalan ng ilaw sa lugar at nakarinig na lamang ng dalawang putok ang mga residente.


Inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.


Tags: Manila Police District-Station 12

You May Also Like