E-bike, paborito na ring tangayin ng motor-napper

By: Baby Cuevas

Hindi lang motorsiklo ang gustong tangayin ng mga motornapper, kundi maging ang mga e-bikes ay nagiging “favorite” na rin tangayin sa Maynila.

Ito ay kasunod na rin ng pagkakaaresto kay Mark Anthony Zamora alyas Macmac,26, miyembro ng “Commando gang” at taga C2 Capulong Bridge, Brgy 93, Tondo, Maynila .


Tinangay umano ng suspek ang e-bike ng biktimang si Shirley Imbien 38, ng 308 H Romana Street corner Velasquez Street, Brgy 96, Tondo, Maynila noong Hulyo 16 alas- 8:40 ng gabi sa loob ng RSTU Parking lot sa Brgy 96, Tondo, Maynila.

Kaagad na nagreklamo sa Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP) ang biktima na kaagad namang nagsagawa ng imbestigasyon at follow-up operation.

Nabawi sa suspek ang e-bike ng biktima, nina Pat Fidel Bejar Jr. at al Pat Carlo Van Dela Cruz ng Smokey Mountain Police Community Precinct.


Sinampahan ng kasong theft sa Manila Prosecutors Office ang suspek.


Tags: Smokey Mountain Police Community Precinct (PCP)

You May Also Like

Most Read