INALIS na ng Department of Justice (DOJ) sa Witness Protection Program (WPP) bilang state witness ang self-confessed drug dealer Roland “Kerwin” Espinosa.
Ipinarating ni WPP director and Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva conveyed ang desisyon sa pamamagitan ngnliham na may petsang Pebrero 7 kay Atty. Eleanor Rachel Angeles, OIC director ng National Bureau Investigation (NBI) Administrative Service.
Nabatid na unang inerekomenda ni Angeles sa kanyang liham kay Villanueva nitong Enero17, na alisin na si Espinosa s WPP matapos nitong tangkain na tumakas sa kanyang detention cell sa NBI Holding facility noong nakalipas na taon.
Bukod sa tangkang pagtakas may ginawa pang harassment sa mga inmates, smuggling activity,pag inom ng alak,pangingikil sa kapwa nakadetineng preso,paglabag sa curfew at paggala sa selda ng iba pang inmates sa kabila ng warning sa kanya.
Nakikipag usap rin si Espinosa sa ibang inmates kaugnay sa drug case at mayroon din siyang hawak na ipinagbabawal na items gaya ng mobile phones at patalim.
Kasama rin tinanggal sa coverage ng WPP ang asawa ni Espinosa at kanyang mga anak.
Una nang hiniling ng NBI na malipat ng kulungan si Espinosa sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility saBicutan, Taguig City.
Sinabi ni NBI officer in charge-director Eric Distor na may sapat na pasilidad ang BJMP para paglagyan ng mga high profile na bilanggo gaya ni Espinosa matapos na tangkain nitong tumakas noong Enero 13,2022 matapos sirain amg exhaust fan ng kisame.
Mayroon 79 na detainees ang nasa NBI detention center.
Nalaman na ibinasura noong Disyembre 17, 2021, mg Makati Regional Trial Court Branch 64 Judge Gina Bibat-Palamos ang kasong iligal na droga laban kay Espinosa at kasamang akusado na si Wu Tuan Yuan (alias Peter Co), Marcelo Adorco, ay Lovely Impal dahil sa “for failure of the prosecution to adduce evidence to overturn the presumption of innocence enjoyed by the herein accused.”
Gayunman, may nakabinbing kasong kriminal sa iba pang korte sa bansa si Espinosa.