Latest News

Drag artist na si Pura Luka Vega, idineklara na ring ‘persona non grata’ sa Maynila

By: Jerry S. Tan

Idineklara na rinng ‘persona non grata” sa Maynila ang drag artist na si Pura Luka Vega, matapos ang kontrobersiyal na pag-impersonate nito sa Poong Nazareno.

Ang deklarasyon ng Manila City Council para sa nasabing drag artist bilang ‘persona non grata’ ay sinang-ayunan ng may 26 na konsehal na dumalo sa sesyon, na pinamunuan ni Vice Mayor Yul Servo-Nieto bilang Presiding Officer ng konseho.


Ayon naman kay Majority Floor Leader Jong Isip, nakasaad sa nasabing resolusyon na si Vega, o Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay, ay hindi na welcome sa Maynila, matapos nitong gayahin ang Itim na Nazareno ng Quiapo Church, na ayon sa mga konsehal ay simbolo ng lungsod.

Nauna rito, nagpasa rin ng parehong resolusyon ang konseho ng General Santos City, munisipalidad ng Floridablanca sa Pampanga at Toboso sa Negros Occidental.

Si Vega ay ipinagharap din ng reklamo ng Philippines for Jesus Movement sa Quezon City dahil sa paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code (RPC) at Republic Act 10175 o the Cybercrime Prevention Act.


Alinsunod sa Article 201, may katapat na kaparusahan ang sinumang magpe- perform ng malaswa o imoral na palabas maging ito man ay live o sa pelikula na makaka-offend sa lahi o relihiyon.


Tags: Pura Luka Vega

You May Also Like