Latest News

DILG: Index crimes, tumaas mula nang mag-Alert Level 1

TUMAAS ang index crimes mula nang ibaba sa Alert Level 1 ang Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa noong Marso 1.

Partikular na nakitaan ng pagtaas ay ang kaso ng theft na ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ay maiuugnay sa tumaas na mobility ng mga tao nang magluwag sa COVID-19 alert level system.

“Nitong pagpasok ng Alert Level 1, medyo tumaas ‘yung ibang index crimes, particularly ‘yung theft. Siguro syempre dahil naglabasan na ‘yung mga tao. Dito sa mga malalapit sa mga mall, sa mga palengke, medyo dumami na naman ‘yung mga mandurukot natin diyan,” saad ng Kalihim.


Kaugnay nito, nagpaalala si Año sa publiko na mag-ingat sa kanilang paligid lalo na sa matataong lugar para hindi mabiktima ng mga kawatan.

“Dapat maging maingat ang ating kababayan kapag tayo ay namimili at pupunta sa mga business establishments. Ang ating police naman, naka-ready naman diyan,” dagdag niya.


Maliban sa theft, kabilang din sa eight focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, and carnapping of vehicles, at carnapping of motorcycles.

Bago ito, bumaba pa ng 17% ang naiulat na crime incidents ng Philippine National Police (PNP) mula Nobyembre 2021 hanggang Enero 2022.


Sabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, bunsod ito ng mga quarantine restriction at panuntunang ipinapatupad sa gitna ng banta ng COVID-19.

Samantala, bukod sa pagbabantay ngayong panahon ng eleksyon, sinimulan na rin ng PNP ang paghihigpit sa security operation nito sa harap ng pagsisimula ng tag-init sa pamamagitan ng kanilang “Oplan Ligtas SUMVAC 2022.”

Tags: Interior Secretary Eduardo Año

You May Also Like

Most Read