Delivery boy, arestado sa iligal na droga

Arestado ng mga elemento ng Manila Police District (MPD) ang isang 18- anyos na delivery boy na nasa ’32 most wanted persons’ sa district level sa harap ng Manila City Hall,nitong Biyernes ng hapon sa Padre Burgos St.Maynila.

Kinilala ni PMaj Cicero Pura,ng DSOU ang suspek na si Kim Russel Laca, delivery boy at residente ng No. 3445 San Roque St. Sta Ana, Maynila.


Ala -1 ng hapon nang maispatan ng mga pulis ang suspek sa nabanggit na lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest inisyu ni Manila RTC Presiding Judge Mariesther Vedaña sa kasong paglabag sa Section 11 (3), Article II ng R.A. 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Sa warrant of arrest na may petsang Abril 25,2022 walang inirekomendang piyansa ang hukom sa suspek,iniutos lang na dalhin ito sa korte sa sandaling maaresto ang suspek. (Carl Angelo)


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like