Dalawang sunog, naganap sa Maynila

Natupok ang tatlong-.palapag na residential house at may 20 bahay ang nadamay sa dalawang magkasunod na.sunog na naganap kahapon ng hapon sa Sampaloc at Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat ng.Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-.12:50 ng hapon nang maganap ang sunog sa No. 572 Gerardo St.Balic-Balic Sampaloc,Maynila.


Isang tatlong-palapag na bahay na yari sa kahoy ang sumiklab sa sunog na umabot ng ikalimang alarma.

Dakong 1:35 ng hapon naman nang sumiklab ang sunog sa isang kabahayan sa Road 1,Gagalangin Tondo.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at idineklarang fire-out alas-.2:23 ng hapon.


Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa dalawang sunog.

Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng mga sunog ng Arson Division. (Arsenio Tan)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like