DALAWANG LALAKI, NAGPUKPUKAN NG MARTILYO, PATAY

By: Itchie G. Cabayan

NASAWI ang dalawang kalalakihan matapos mag-agawan ng martilyo at magpukpukan nito sa gitna ng pag-aaway kamakalawa ng gabi sa hallway ng 8th Floor, Building 2, Urban Deca Homes sa Velasquez Street, Tondo, Maynila.


Nakahubad at sugatan nang matagpuang walang buhay na biktimang si Diosdado II Menor ,39 at residenSte ng Unit 871, Building 2, Urban Deca Homes, Velasquez Street, Tondo, habang naisugod naman sa Tondo Medical Center ang suspek na si Jovanie Alsa,27, J&T employee at residente ng Building 5, Unit 373, Urban Deca Homes, ngunit nasawi rin dahil sa mga sugat na tinamo sa ulo at katawan.

Sa ulat ng Manila Police District -homicide section naganap ang insidente alas- 9:12 ng gabi sa hallway ng ika-walong palapag ng nabanggit na condominium building.

Ayon sa saksi, nakarinig siya ng mga sigaw mula sa katabing unit at nang tingnan niya ito ay nakita niya ang biktima na nakahandusay na at walang saplot sa katawan, samantalang ang suspek naman ay nasa loob ng Unit 871 na sa halip na tulungan ang biktima ay nagpunta ito sa guwardiya.


Habang pabalik na sa lugar ay nakita naman nila ang suspek na si Alsa na walang saplot pang-itaas at duguan rin kaya dinala ito sa Tondo Medical Center pero hindi na naisalba ng.mga doktor sa pagamutan.

Natagpuan ng mga pulis ang isang martilyo sa crime scene na kalaunan ay napag-alamang hiniram ng suspek sa kanyang hipag.




Anang pulisya, walang “forcible entry” sa unit ng biktima kaya hinihinala nila na magkakilala ang dalawa.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol sa motibo ng krimen.


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like