POSITIBO ang Department of Finance na malalagpasan nila ang itinakdang collection target ng pamahalaan ngayong taon dahil sa ipinakitang sigasig ng Bureau of Customs.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, naniniwala siya na makakamit ng gobyerno ang kanilang collection goal ngayon taon dahil sa naitalang revenue surplus ng Bureau of Customs (BOC) na mas malaki kumpara sa Bureau of Internal Revenue.
“Our collection as of one month ago is P2.9 trillion, over 18% higher than last year and about 90% of our goal for the year,” ani Diokno sa isang pulong balitaan.
“I’m very sure we will exceed our revenue target,” anang kalihim.
Base sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr) ang umakyat ang national government revenues nitong katapusan ng Oktubre sa P2.9 trillion, mas mataas ng 18.31% mula sa P2.5 billion na nakolekta mula Enero hanggang Oktubre ng taong 2021.
Ayon kay Diokno, dahil sa revenue surplus ng BOC ay mapagtatakpan nito ang kakulangan ng BIR.
Nabatid na ? 3.3 trillion ang revenue target ng gobyerno para sa buong taon at nakapagtala na sila ng 89% ng P3.3 trillion goal.
Nabatid naman kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz na ang kanilang magandang revenue performance ay bunsod ng mahigpit na implementasyon ng mga priority programs para sugpuin ang smuggling sa Aduana, supilin ang corruption, pag- optimize sa revenue collection, at pag-digitalize ng customs operations na nakaangkla sa eight-point socioeconomic agenda ni President Ferdinand Marcos, Jr.
Kahapon ay binantaan ni Ruiz ang mga notorious smugglers na itigil na ang kanilang mga illegal activities na sumasabotahe sa ekonomiya ng bansa.
“I relay this message to all the smugglers. Stop it and pay the lawful revenues to the government,” ani Ruiz sa isang panayam.
“There is no way for smugglers to hide because the Bureau of Customs can find them wherever they go. “Mahuhuli pa rin namin kayo We are very good at doing that. Masasayang lang pera nyo, ani Ruiz, na isang dating law enforcer.
“So that is the thing that I am doing right now. I implement measures that improve the capability of the BoC against contrabands,” “I am not a lawyer. I am not an accountant. My expertise is in law enforcement. That’s my God-given gift. I am good at finding people, pahayag pa nito. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














