Patay habang nakabigti ang isang 19- anyos na lalaking criminology student nang makita ng kanyang nakakatandang kapatid sa loob ng banyo sa 3d floor ng Melonell Building na matatagpuan sa 2122 C M. Recto, Quiapo, Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ni PSSG Irene Jay Manalili ng Manila Police District -homicide section, alas -10:30 ng gabi nang madiskubre ni Eugene, 32, ang pagpapakamatay ng kapatid na si ‘Francisco, (di tunay pa pangalan).
Ayon kay Eugene, huli niyang nakitang buhay ang kapatid alas- 4 ng hapon sa kanilang inookupang unit na malungkot at parang depressed.
Kinagabihan ay nagpunta sa comfort room si Eugene pero nakakandado ang pinto kaya tinawag niya ang ina para buksan ang pinto at doon na tumambad sa mag -ina ang biktima na may nakapulupot na plastic straw sa leeg na itinali sa kahoy.