Condo, nagliyab

Nasunog ang isang bahagi ng isang condominium, Linggo ng hapon sa Reina Regente Street sa Binondo, Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ika- 14 na palapag ng condominium.


Nagsimula umano ang sunog alas- 2:38 ng hapon na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang Fire Under.Control alas- 3:35 ng hapon.

Wala namang inulat na nasaktan o namatay sa naganap na sunog. Patuloy pang iniimbestigahan ng Arson ang sanhi nito. (Philip Reyes)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection

You May Also Like