Commercial area, natupok

Natupok ang ilang commercial establishment matapos na sumiklab ang isang sunog kamakalawa ng gabi na natapos madaling araw ng Setyembre 29 sa Sta.Cruz, Maynila.

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas- 10:11 ng gabi na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fireout alas- 2:12 ng madaling araw.


Nagsimula ang sunog sa isang establisimiyento na nasa Mayhaligue cor. Avenida sa Sta, Cruz Maynila.

Wala namagn iniulat na nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.

Gayunman,patuloy na inaalam ng arson division ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian. (Philip Reyes)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection

You May Also Like