Natagpuang wala nang buhay ang isang lisensiyadong civil engineer , matapos na magbigti sa loob ng inookupang kuwarto,kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila. dahil sa umano’y di nakayanang responsibilidad sa kanyang trabaho.
Kinilala ni PCpl Sir Christian Joseph Pineda ng Manila Police District -homicide section ang biktimang si Arsenio Conti, 57, ng Blk 5 L6 Rome St. Dasmarinas, Cavite City.
Natuklasan ang ginawang pagpapakamatay ng biktima nang puntahan ito ng stay-in worker na si Jefferson Borja at nagtaka ito kung bakit naka-lock pa ang kuwarto ng biktima.
Kaagad itong inireport ni Borja kay Elmer Aspa, stay-in security guard, ang napansin kaya muling kinatok ang kuwarto ng biktima at nang hindi pa rin ito sumasagot ay puwersahan na nilang binuksan ang pintuan at dito tumambad ang nakabigting biktima .
Isinugod pa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival.
Ayon sa impormasyong nakuha ng imbestigador sa mga kasamahan sa trabaho ng biktima, lagi umano itong balisa nitong mga nakalipas na araw at malimit na hindi kumakain.
Posible umanong ang pag-aakala ng biktima na hindi niya kaya ang responsibilidad na ibinigay sa kanya bilang project in charge ang dahilan kung bakit ito nagbigti kaya nagkaroon ng depresyon na naging dahilan ng kanyang pagpapakamatay.














