Umarangkada na ang Christmas trains ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na nagsimulang bumiyahe nitong Lunes.
Target ng mga Christmas trains na magbigay ng saya sa kanilang mga commuters ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Sa nasabing aktibidad, namigay si Santa Claus ng mga kendi at tsokolate sa mga commuters sa MRT-3 Ayala Station at LRT-2 Cubao Station.
May mga choirs rin sa Cubao stations ng MRT-3 at LRT-2 na binubuo ng mga pawang empleyado ng MRT-3 at LRT-2 na kada araw ay maglilipat-lipat ng istasyon upang magbigay-saya sa mga pasahero.
Ang MRT-3 ay bumabagtas sa EDSA mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City habang ang LRT-2 naman na pinangangasiwaan ng LRTA, ang siyang nag-uugnay sa Recto, sa Maynila at Antipolo City sa Rizal.














