Latest News

Chinese suspects sa Las Piñas raid, pinalaya

By: Anthony Quindoy

Pinalaya ang mga pinaghihinalaang human trafficker dahil sa kakulangan ng ebidensiya na magdidiin sa kanila sa kaso.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla,hindi maaaring kasuhan ng DOJ ang mga hinihinalang human trafficker sa isinagawang pagsalakay ng mga pulis sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Las Piñas dahil nabigo ang Philippine National Police (PNP) sa case build up.

Dismayado si Remulla sa umano’y nakagawian ng PNP na huli nang huli kahit walang kaso.


Hindi umano sumunod ang PNP
sa kasunduan nito hinggil sa pagsasagawa ng case buildup bago maglunsad ng anumang pagsalakay.

Nauna nang sinalakay ng PNP noong Hunyo ang POGO sa Las Piñas kung saan nailigtas ang 2,000 mangagawa kabilang mga mga dayuhan mula sa mga umano’y human traffickers.

Gayunman,dahil sa kawalan ng ebidensya, nagdesisyon ang DOJ na palayain ang mga nahuli “for further preliminary investigation.”


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read