Chinese national, bumangga sa concrete barrier

Wasak ang harapang bahagi ng sasakyan ng isang Chinese national matapos na mabangga ang concrete barrier na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa northbound ng Padre Burgos, Ermita, Maynila.

Hindi naman nasugatan o nasaktan ang driver ng Toyota Fortuner na may plakang NCH-1522 na si Zhijian Wu, 50, ng Tayuman St., Binondo, Maynila.


Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas- 4:45 ng madaling araw sa harap ng monumento ni Andres Bonifacio sa gilid ng Manila City Hall.

Ayon sa imbestigasyon, binabagtas ni Wu ang northbound laneng Padre Burgos sa Ermita, Maynila nang mabangga nito ang concrete barrier. Wala namang nadamay na pedestrian sa aksidente.

Inaalam pa ng MDTEU kung magkano ang babayaran ni Wu sa nasirang concrete barrier ng lokal na pamahalaan ng Maynila. (Carl Angelo)


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like

Most Read

Latest News