NATAGPUANG wala nang buhay at nakabigti ang isang 47-anyos negosyanteng ‘Chinay’ na diumano ay dumaranas ng depresyon sa loob ng kanyang tinutuluyang condominium sa Ermita, Maynila kahapon ng madaling araw.
Ayon sa imbestigasyon ni PCMS Boy Niño Baladjay ng Manila Police District -Homicide Section, sinturon umano ang ginamit ng biktimang alyas ‘Tess Gums,’ negosyante at residente ng Grand Residences Mansion sa Adriatico St., Ermita sa pagbibigti.
Nadiskubre ang bitkima 12:24 ng madaling araw nang madiskubre ng kasambahay nito ang diumano ay ginawang pagpapakamatay ng biktima.
Bago ang pagpapakamatay ng biktima ay na-diagnose umano ito na mayroon depresyon pero tumatanggi itong inumin ang iniresetang gamot ng kanyang doktor at madalas rin umano nitong sabihin na mas mabuti pang magpatiwakal na lamang siya, sa halip na uminom ng gamot.
Sinabi ng pulisya na huling nakitang buhay ng security guard ang biktima habang palabas ng condo, kasama ang kanyang kasambahay at ang maid ng kanyang kapatid.
Dakong alas-6 ng gabi ng Abril 9, pinuntahan ng kasambahay ang biktima upang dalhan ng pagkain sa kanyang unit pero hindi ito sumasagot, kaya agad nitong inimpormahan ang maid ng kapatid.
Kapwa nila tinungo ang unit ng biktima at puwersahan na binuksan ang puntuan at doon tumambad sa kanila ang nakabigti na biktima gamit ang sinturon na isinabit sa hagdanan.
Samantala, patuloy na iniimebstigahan ng pulisya ang insidente.