“Cashless policy”, ipatutupad ng BuCor

By: JANTZEN ALVIN

Ipatutupad ng Bureau of Corrections(BuCor ) ang “cashless policy” sa lahat ng kanilang bilangguan at penal farms nationwide para mapigilan ang paggamit ng pera sa mga iligal na transaksiyon sa loob ng mga bilangguan.


Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Catapang na sa halip na cash money ay magi-isyu ang BuCor sa persons deprived of liberty ng ” individual booklets” tulad ng iniisyu ng banko kung saan nakalagay ang halaga ng kanilang pera .

Maari nila itong ibili ng goods mula sa Inmate Post Exhange sa loob ng bilangguan at oinaoayagan sika ba tumanggap ng P2,000 kada linggo.

Sakop sa policy ang PDLs at correction officers (COs).


Ito umano ang tugon ng BuCor sa ulat na ilang PDLs ang gumagamit ng kanilang pera para magsagawa ng illigal na business transaction
sa kanilang pasilidad.

Ang naturang paraan rin ang makakapigil oara hindi mapakialaman ng mga CO ang pera ng PDLs.


Magugunita na nabulgat noong nakalipas na Enero na may mga CO ang kumukolekta umano ng”buwis” mula sa PDLs sa pamamagitan ng e-wallet money transfer sa mga prison guards.

Sa ilalim ng policy, ang mga oera na makukumpiska sa Inmate ay idedeposito sa PDLs trust fund, habang ang mga oera naman na makikumpiska saCOs ay idi deposito sa employees trust fund.


Samantala,sinabi ni Catapang na ang mga di awtorisadong BuCor personnel na magtatago ng PDLs booklet ay tatanggalin sa serbisyo.

Kaugnay nito, nais ni Catapang na ang mga IPXs sa loob ng pasilidad ay dapat na ino-operate ng mga kooperatiba ng BuCor kung saan lahat ng empleyado ay miyembro at ang kita nito sa kanilang operasyon ay idi deposito sa kanilang pondi bilang bahagi ng kanilang insentibo.



Tags: Bureau of Corrections(BuCor)

You May Also Like

Most Read

Latest News