Latest News

CARNAPPER, INARESTO, NANG-AGAW NG BARIL, PATAY

Nasawi ang isang inarestong carnapper matapos na mang-agaw umanong baril ng isang pulis,habang iniimbestigahan sa loob ng Smokey Mountain Police Community Precinct kahapon ng madaling araw sa Tondo ,Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni Pat.Errol Aguila,ng Manila Police District-homicide section,nakilala ang bikma na si Artjohn Arufo,23, ng 233 Rodriguez St., Tondo. Siya ay nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo.

Naganap umano ang insidente alas 12:10 ng madaling araw sa loob ng PCP sa Mel Lopez Boulevard, Tondo.


Inaresto ang suspek sa kasong carnapping subalit habang iniimbestigahan ay bigla umano nitong hinablot ang baril ni PEMS Erwin Bacungan,50,deputy commander ng SM PCP, dahilan para magpambuno ang dalawa at mabaril sa ulo ang suspek.

Isinugod ang suspek sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) kung saan idineklara itong dead on arrival. (Philip Reyes)


Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read