UMAAPELA ngayon ang Caritas Manila ng mga donasyon na ibibigay sa mga apektado ng naganap na magnitude 7 na lindo sa Northern Luzon.
“Caritas Manila calls for donations to provide relief assistance to our brothers and sisters affected by the magnitude 7.3 earthquake,” saad nito sa kanilang Facebook post.
Kabilang sa maaring i-donate ng publiko na agarang pangangailangan ngayon ng mga biktima ay mga “food packs, bottled water, hygiene kits, tents” para sa mga nawalan ng tahanan, mga “sleeping mats at kumot” at maging mga “solar lamps”.
Ang mga nais magbigay ng donasyon ay maaaring bumisita sa https://www.caritasmanila.org.ph. o kaya naman ay tumawag sa telepono bilang: 85620020 hanggang 25 local 118, 139 o 135.
Ang Caritas ang “social action arm” ng Archdiocese of Manila na nangunguna sa pagbibigay ng mga donasyon, relief goods, at tulong sa mga biktima ng kalamidad at maging sa mga mahihirap. (Anthony Quindoy)














