WALA nang buhay nang madiskubre ang isang 24-anyos na call center agent na nagbigti umano sa loob ng comfort room Sampaloc, Maynila.
Kinilala ni PSSg Irene Jay Manalili,imbestigador ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Luisa,ng Domingo Santiago St., Sampaloc Maynila.
Nabatid na alas 5:30 ng umaga nang madiskubre ng ina ng biktima ang ginawang pagpapakamatay ng anak,gamit ang isang lubid.
Huli umanong nakitang buhay ang biktima alas-11 ng gabi sa kanilang bahay.
Patuloy namang inaalam ng pulisya kung ano ang nagtulak sa biktima para kitlin ang sariling buhay.