DINUGO at nalagay sa panganib ang buhay ng isang 18-anyos na Grade 12 student kamakailan sa Tondo, Maynila, nang ito ay uminom ng ‘cytotec pills’ na ipinabili ng kanyang nobyo matapos matuklasan na siya ay buntis.
Napag-alaman na nitong Setyembre 1, alas-9:27 ng gabi sa Manila Police District-Police Station 1 ng Tondo Medical Center, isinugod umabot ang biktima, ng Laperal Street sa Tondo, Maynila matapos na uminom ng 20 cytotec pills.
Sa imbestigasyon ng MPD-PS1,nalaman sa biktima na nitong mga nakalipas na araw ay nakakaramdam siya ng.”morning sickness” kaya minabuti niya na bumili ng “pregnancy kit ” at dito ay matuklasan niya na siya ay nagdadalang-tao.
Sinabi umano niya ito sa kanyang nobyo na 27-anyos at taga- Cavite pero sinabi umabot nito sa kanya na “hindi pwede Yan, mapapahiya ako” at kasunod nito ay binigyan siya ng halagang P3,400 para ipambili ng cytotec.
Sumunod naman ang biktima at bumili ng 20 tablets ng cytotec at makalipas ang dalawang araw ay dinugo na siya nang walang humpay, dahilan para isugod sa pagamutan.
Ayon sa doctor na gumamot sa biktima, nasa limang linggo na ang edad ng fetus na inilaglag nito.
Samantala,nakatakdang sampahan ng Manila Police District-homicide section ng kasong intentional abortion ang mag-nobyo sa Manila Prosecutor’s Office.














