Latest News

Bully, minartilyo sa ulo

INOOBSERBAHAN sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), ang isang 31- anyos na binata matapos sumirit ang dugo sa ulo nang hatawin ng martilyo ng suspek na madalas niyang binu-bully,kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni PLtCol Harry Ruiz Lorenzo III,station commander ng Manila Police District-Police Station 2, ang biktimang si Jason Sapuan, stay-in helper sa Burke Bldg sa Claro M.Recto Avenue at Elcano St.Tondo na nagtamo ng mga sugat sa ulo.

Atestado naman ang suspek na si Arvin Maiz, 36 , kasamahan ng biktima at kapwa helper at taga 1015 Kagitingan St. Tondo sa isinagawang follow up operation kung saan natunton sa kanyang bahay.

Naganap umano ang insidente,alas 7:30 ng gabi sa harap ng warehouse na kung saan kapwa helper ang biktima at suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, habang naglalaro ng games sa kanyanh cellphone ang biktima nang paghahatawin ng suspek gamit ang martilyo.

Nang makitang sumisirit na ang dugo sa ulo ng biktima ay tumakas na ang suspek.

Isinugod naman sa pagamutan ang biktima.

Sa pagsisiyasat ,nalaman na nagawa umanong hatawin ng martilyo ang biktima dahil madalas jmano nutong binu-bully ang suspek.

Sinampahan naman ng kasong serious physical injury sa Manila Prosecutors Office (MPO), ang suspek.

Tags:

You May Also Like

Most Read