Nahukay ng mga construction worker ng Maynilad ang isang “unexploded ordnance (UXO)” na 105 mm HE Projectile habang maglalagay sana ng tubo, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Ayon sa Manila Police District-Police Station 9 ,alas- 9:30 ng gabi nang mahukay ni Rodel Salvador ,36, construction worker, ang bomba sa northbound ng Taft Avenue,Malate.
Sinabi ni Salvador na naglalagay siya ng tubo sa.lugar nang mapansin niya ang hindi pa pumuputok na bomba. Kaagad niya itong itinawag sa MPD -Explosive Ordnance Division (EOD) para sa disposisyon.
Nabatid na matagumpay naman na naialia ng EOD sa lugar ang bomba na bahagi ng mga pinakawalang bomba sa Maynila noong World War II. (Arsenio Tan)














