Latest News

BOC COLLECTION — P78.902B; TARGET SA AGOSTO, NALAGPASAN NG P20B

MULING nahigitan ng Bureau of Customs (BOC) ang itinakda nitong target collection sa ika-walong sunod ngayong taon nang mahigitan nito ng P 20 billion ang sariling August target, kasunod ng mga pagbabagong ipinatupad ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Inutos ni Ruiz na busisiing mabuti kung saan may butas na nagagamit para makalusot sa pagbabayad ng tamang buwis, dahilan para umakyat sa P78.9B ang BOC collection nitong nakalipas na buwan ng Agosto base sa preliminary report mula Financial Service.

Nakapagtala ito ng P20B o 34.1percent na mas mataas sa kanilang target collection na P58.8 para sa buwan ng Agosto.


Nakapaloob sa nalikom na P78.9B revenue ang P77.9B collection mula sa lahat ng BOC collection districts, P248.2M mula sa Post Clearance Audit Group (PCAG), at P677.4M naman galling sa Tax Expenditure Fund (TEF).

Ipinagmalaki pa ng BOC na lahat ng 17 ports ay nalagpasan ang kanilang mga itinakdang targets. Nanakapagtala ng 25 percent surplus o kabuuang P15.8B matapos ang kanilang intensified collection efforts sa ilalim ng pamumuno ni Ruiz.


Pagpapakita lamang umano ito na sinisikap ng kasalukuyang pamunuan ng BOC na pagandahin ang performance nito at lalo pang palakihin ang koleksyon para makatulong na mapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa na pangunahing layunin ng Marcos administration.

Mula January hanggang August 2022, umabot ang BOC revenue sa P559.2B. Mas mataas ito ng P146.9B or 35.6% kumpara sa P412B actual collection ng Aduana sa kapareho ding timeline nuong 2021.


“The collection performance of the BOC and its 17 Collection Districts, under the leadership of Commissioner Ruiz, is attributed to the intensified collection efforts, streamlined, digitized and modernized systems and the improving economy resulting in higher volume of imports,” ayon pa sa inilabas na pahayag ng Aduana. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Bureau of Customs (BOC)

You May Also Like

Most Read