Latest News

Batang babae, ginawang ‘punching bag’ ng ama, patay

By: Baby Cuevas

Pinaghahanap ngayon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD),ang isang 32-anyos na ngayon ay nagtatago matapos mapatay ang kanyang pitong-gulang na anak na babae na diumano ay ginawang ‘punching bag’, kamakailan sa Tondo, Maynila.

Nabatid na nagtatago ngayon ang suspek na si Carlo Dianni Lloren, ng No. 140 Sto. Niño St., Tondo, Maynila .

Gayunman, bago namatay ang biktimang si Catherine Joy ay nakapag-sumbong at ikinuwento nito sa kanyang lola na si Margarita Napacia at nai-record sa mobile phone ang ginawa sa kanya ng ama.


Nabatid na naganap ang insidente noong Agosto 18,2023 alas- 9 ng umaga nang utusan ng suspek ang anak na bumili sa tindahan.

Hindi umano naibalik ng biktima ang sukli na ibinili niya ng tinapay dahil nagugutom umano siya at doon na nagalit ang suspek at pinagsusuntok ang anak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Alas 6 ng gabi nang makaranas ang biktima ng matinding pananakit ng ulo at pananakit ng katawan, hanggang sa hindi na nito maigalaw ang ulo pero binalewala pa rin ng suspek at kaanak nito hanggang lumala ang kalagayan nito.

Noong Agosto 22, dinala ni Napacia ang apo sa Tondo Medical Center pero noong Agosto 26 dakong alas-2 ng hapon ay nasawi rin ang biktima.


Hindi kaagad nakapag-reklamo si Napacia sa pulisya dahil inasikaso pa muna nito ang pagpapalibing sa apo .

Wala umano ang ina ng bata nang mangyari ang pambubugbog ng suspek sa anak.

Tags:

You May Also Like

Most Read