Latest News

Barbeque vendor, todas sa resbak

Patay ang isang 37-anyos na barbeque vendor matapos pagbabarilin ng suspek na nakasuot ng kapote,k amakalawa ng gabi sa Baseco Public Market,Port Area,Maynila.

Kinilala ni PLt.Adonis Aguila,hepe ng Manila Police District-homicide section,ang biktimang si Jeffrey Lachica,vendor, at taga Oishi 1A 2 GK Baseco Compound,Port Area.

Inaalam pa ng mga pulis kung ang suspek ay isa sa mga menor de edad na unang nakaaway ng biktima kung saan ,isa sa mga ito ay sinaktan ni Lachica.

Sa imbestigasyon ni PCpl.Rodolfo Acosta III,ng MPD-hs,naganap ang insidente alas-9:50 ng gabi sa nabanggit na lugar. Habang nag-iihaw ng panindang barbecue ang biktima ay sumulpot umano ang suspek at armado ng di pa matiyak na kalibre ng baril at saka sunod-sunod na pinaputukan ang biktima sa iba’t -ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang isinugod ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) pero idineklara itong patay alas-10:50 ng gabi.

Pinuntahan ng mga pulis ang isang menor de edad na ‘person of interest’ pero hindi ito natagpuan sa kanilang bahay at umuwi na umano sa kanilang probinsiya.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya at tinitingnan ang CCTV na nakakabit sa.lugar. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read