Latest News

BANGKAY SA SAKO, NADISKUBRE

MASANGSANG na amoy ang naging susi para matagpuan ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakabalot na tela ,nang matagpuan ito sa gilid ng tulay sa Ermita, Manila , huwebes ng hapon.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila , hepe ng Manila Police District- Homicide Section , bandang 3:00 pasado , nang mangamoy ang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng Unilever Phillipines sa Paco, Manila.

Isa umanong lady guard ng nasabing kompanya ang nakadiskubre sa bangkay


Inakala nito na isang patay na hayop lamang ang nakabalot nang kulay asul na tela, subalit nang bulatlatin ang sako tumambad ang bangkay na hinihinalang may apat hanggang limang araw nang patay.

Dahil dito agad na itinawag sa MPD- Station 5 ang insidente kaya nagtungo agad si P/ Lt.Col. Dionelle Brannon , Commender ng Station 5.

Saka ipinagbigay alam sa MPD – Homicide Section

Ang bangkay ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue habang inaalam ang pagkakakilanlan at ang motibo ng pamamaslang.


Tags:

You May Also Like

Most Read