Latest News

Bangkay ng babaeng nakasako, natagpuang lumulutang sa Manila Bay

NATAGPUANG lulutang-lutang at nakasilid sa sako ang isang hindi pa nakikilalang babae , Huwebes ng tanghali sa Vitas , Tondo, Manila.

Itinatayang nasa edad 50 hanggang 60 anyos ang biktima, nakasuot ng itim na leggings, itim na damit na polka dots at may tattoo sa kanang balikat ng pangalang ” Edgar at Joy.

Base sa ulat na isinumite ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-11 ng tanghali nang madiskubre ang bangkay ng babae sa gilid ng barge sa Manila Bay Area sa Ramp 1 , Ocean Transport Shipyard sakop ng Brgy.105 sa Vitas , Tondo.


Isang Cris Agas. 23 anyos na welder sa ginagawang barge ang nagbigay ng salaysay sa pulisya.

Diumano, dahil sa tawag ng kalikasan ay tinangka umano nitong umiihi sa dagat nang makita nito ang isang bagay na nakasilid sa puting sako.

Inakala nito na isang patay na hayop lamang ang nakasilid at itinapon ito sa dagat.

Nang busisiin nito ang laman , nagulat si Agas dahil patay na babae pala ang nasa loob ng sako.


Isang Darwin Bacaiso , sekyu ng barge ang nakipag-ugnayan naman sa Smokey PCP at dito na rumesponde ang mga tauhan ni P/ Lt.Col.Cenon Vargas Jr., Commander ng MPD- Raxabago Police Station 1 saka nila kinordon ang lugar at ipinagbigay alam sa Homicide Section at sa Forensic Unit ang pangyayarii.

Nakitaan ng malaking sugat sa ulo ang babae at siya ngayon ay isinasailalim sa awtopsiya at inaalam ang kanyang pagkakakilanlan.

Tags:

You May Also Like

Most Read