NAMAMAGA na ang bangkay ng isang 6-anyos na lalaki nang matagpuan sa Estero de Arlegui kamakalawa ng umaga sa San Miguel ,Maynila.
Ayon kay PLt Adonis Aguila,hepe ng Manila Police District-homicide section ,positibong kinilala ng kanyang lola na si Gloria Magdael na apo niya ang batang lumutang sa estero na si John Michael Magdael.
Nabatid na alas-7:15 ng umaga nang mamataan ng river warrior na si Mark David Manalo,21, ang patay na bata sa estero na nakasuot ng kulay asul na t-shirt at walang saplot pang- ibaba.
Nabatid na huling nakitang buhay ang bata noong Marso 23 ng umaga na naglalaro sa tapat ng Centro Escolar University sa may Mendiola.
Gayuman ,naghanap na umano ang lola at nanay ng biktima nang hindi pa ito makita alas-6 ng gabi.
Positibo namang kinilala ng ina ng biktima nang ipakita sa kanila ng barangay ang larawan na ang nawawalang paslit ang natagpuan sa estero. (Carl Angelo)