NASUNOG ang isang bahagi ng gusali ng Supreme Court (SC) na tumagal nang halos dalawang oras ,kahapon ng umaga sa Padre Faura, Maynila.
Sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection(BFP), alas- 6:05 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Judiciary Data Center Room na nasa ground floor.
Ang sunog ay naideklara sa unang alarma at idineklarang fire out,alas- 7:55 ng umaga.
Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nabanggit na sunog.
Patuloy namang iniimbestigahan ng Arson Division amg sanhi ng sunog at ang halaga ng napinsalang ari-arian.
Samantala, sinabi ni SC Associate Justice Marvic Leonen, na siyang Chairperson ng 2020-2021 bar exam, na tuloy pa rin ang pagpapalabas ng resulta ng examjnation sa kabila nang may naganap na sunog sa isang kuwarto sa SC building.
Ayon kay Leonen, hindi makakaapekto ang sunog sa pagpapalabas ng resulta ng bar exam.
“This will NOT affect the release of the results of the bar. We have secured the data files and our chambers and OBC are fully operational. As has characterized our operations, we have preparations for every contingency.
Keep safe everyone,” post ni Leonen sa kanyang Twitter account.
Kinumpirma naman ni SC Spokesman Atty. Brian Hosaka na ang sunog ay nagsimula sa Universal Power Supply ng Data Center ng SC Management Information Systems Office. (Carl Angelo)