Namatay noon din ang isang 63-anyos na babaeng negosyante matapos na barilin habang nakatalikod at nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga kaibigan, kamakalawa ng hapon sa kanto ng Engracia at Jorge Bacobo sa, Ermita, Maynila.
Kinilala ni PCpl Charles Benzon de la Torre ang biktimang si Paulina Antoning No. 60 J Bacobo St. Ermita, Maynila. Siya ay nasawi dahil sa tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo.
Nakikipagkuwentuhan umano ang biktima sa kanyang kaibigan nang dumating ang suspek at nilapitan ang biktima sa likuran at saka binaril nang malapitan.
Mabilis na tumakas ang suspek at sumakay sa isang naghihintay na. motorsiklo.
Samantala ay inaalam ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.