Awol na pulis, binitbit sa kasong carnapping

Arestado ang isang pulis-Maynila na diu,ano ay nag-Absent without Leave( AWOL) at sangkot sa kasong carnapping, matapos matiyempuhan ng kanyang mga kabaro sa harap ng Brgy.597 Zone 56 ,nitong Huwebes ng gabi sa Sta.Mesa,Maynila.

Binitbit sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section(MPD-GAIS) ang suspek na si P/ Cpl.Richard Antonio Y Lomboy , 32 , dating nakatalaga sa District Personnel Holding and Accounting Section( DPHAS) ng MPD at residente ng 4738 Int.16 Ang Buhay St., Sta.Mesa, Maynila.

Ayon kay P/ Lt.Col. Dionelle Brannon , station commander ng MPD- Police Station 8 , alas 9 ng gabi nang arestuhin si Antonio sa harap ng Barangay Hall sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Maria Paz Rivera Reyes- Yson na may petsang Hunyo 8 2022


Si Antonio ay may kasong paglabag sa Republic Act 10883 (New Anti- Carnapping Law) at inirekomenda ang piyansang P300,000 at nasa top 4 na most wanted sa Station level.

Nabatid na nakakuha ng impormasyon si Brannon na tumatambay umano ang suspek sa nabanggit na Barangay Hall at nang matiyempuhan ay ikinasa ang operasyon kasama ang mga tauhan ng Station Warrant and Subpoena Section at ng ilang tauhan ng NCRPO- RMFB. (Philip Reyes)

Tags: Manila Police District-General Assignment and Investigation Section(MPD-GAIS)

You May Also Like

Most Read